PANDARAYA SA ELEKSYON
Malapit na naman ang botohan. Malapit na rin kumilos ang mga nangangampanya. Tiyak, mapupuno na naman ng mga posters ang mga poste dito sa amin. Political commercials ay ngakalat na rin sa lahat ng estasyon ng telebisyon. Lahat ng ito ay pakulo ng mga kandidato para sa nalalapit na eleksyon. Nag-post ako ngayon ukol sa eleksyon dahil may ilalantad akong pandaraya na ginagawa ng mga kandidato dito sa isang bayan sa Mindanao.
Hindi ko nalang siguro sasabihin ang eksaktong pwesto at lugar na pinangyarihan. Ilang taon na rin itong naisasagawa dito. Ang lahat ng taong nasasakupan ng probinsyang iyon ay hindi na kelangan pang bumoto. Ang lahat ay planado at fixed na. Ang ibig kong sabihin, ang lahat ng mga balota na dapat ay sinusulatan ng mga voters tuwing eleksyon ay may sulat na. May mga pangalan na ng mga kandidato. Naghi-hire ang lokal na pamahalaan doon ng mga “tagasulat” sa mga balota. Sila ay binibigyan ng honorarium bilang sahod sa mga naisagawa nilang kalokohan. Kaya pagdating ng araw ng eleksyon, wala nang botohang nagaganap. Sa pagakakaalam ko po, ito ay pinapatakbo mismo ng administrasyon. Hindi ba kagimbal-gimbal? Ewan ko na nga rin kung bakit hindi nagsusumbong ang mga mamamayan doon. Wala na rin siguro silang magawa dahil sa laki ng impluwensya ng mga nagpapatakbo ng kalokohang ito. Takot sila na kapag nagsumbong sila sa kinauukulan, ay maging sanhi pa iyon ng kanilang pagpanaw. Hahaa. Iyon lang muna ang mailalahad ko sa ngayon.
Pumili na po sana tayo ng tama. Piliin na sana natin kung sino ang karapat-dapat na manungkulan. Itapon na sana natin ang mga balimbing na pulitikong nagkalat ngayon sa senado at kongreso. Nangangamoy basura na ang Malakanyang. Panahon na para linisin ito at di na muling langawin pa ng kurapsyon at katiwalian. Ako ang simula. Tayo ang simula.