Tuesday, August 11, 2009

Confused:

Di ko na naman alam kung anu ang isusulat ko ngayong gabi. Medyo matagal na rin kasi akong di nakakapagsulat gawa ng pagiging busy sa school. Bakit nga ba ako nagsusulat? Marahil ay may mga bagay akong di kayang sabihin kaya isinusulat ko nalang.

Bago pa ako dito sa Ozamis city. Di ko pa halos kabisado ang mga pasikut-sikut dito. Pero kung susumahin, wala namang pinag-iba sa Iligan City kung pagbabasehan ang lugar. Yun nga lang, konti pa ang mga kaibigan ko dito. Meron ngang ka-close pero nasa ibang school naman. Eh di ko naman masyadong nalilibang ang sarili ko kasi nauubos ang oras ko sa school at sa byahe. Nakakapagod na nga kung minsan eh. Lalo na pag sinusumpong ng sakit ng ulo. Pero bayad naman lahat kapag may nakakasabay akong chickababes. LOL! Yun nga lang ,di pa rin makahirit ang lolo niyo kasi pinipigilan ng isang weirdong emosyon na nagmula sa kung saan.

Sa school naman, medyo nahihirapan ako sa mga major subjects. Kaya heto, kelangang mag-aral gabi2x. Ayoko na kasing maulit pa ang nangyari sa 'kin noon. Minsan na akong naligaw. Buti nalang may gumabay. Kaya namimili na talaga ako ng 'friends' ngayon. Yung hindi bad influence. Iwas na muna tayo sa chicks. Kahit nga may dumaang seksi sa harapan ko ay di na ako marunong tumingin. May imprubment din pala ako. Mas nakakatulong nga kung meron kang inspirasyon sa buhay. Long quiz namin bukas, kaya gudluck nalang sakin. Buti nalang may nasulat ako ngayon, wala na kasi akong pantxt. LOL.

.Gud Day Fellas.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...