HOLDAPAN!
Kayo ba’y naholdap na? Ako naranasan ko na. Hinding-hindi ko makakalimutan yun. Men! It was really terrible! It was 11pm, in front of the Seventh-day Adventist Church in Iligan city. Naglalakad lang ako pauwi nang biglang may pumukaw ng aking pansin.
“Psst!”.
“May nakita ka bang tatlong babae dito?”,
tanong sa’kin nung isang mama. May kasama rin siyang dalawang lalake.
“Wala po akong napansin.”, ‘ka ko.
Sabay papalapit na yung tatlong lalake sa tabi ko. Sabi pa nung isa,
“Binayaran na kasi namin yung babae ng 500, eh di naman kami sinipot.”.
Napansin ko na ring mukhang mga nakainum ang mga mokong na ‘yon. At habang sila’y papalapit na sakin, unti-unti na akong kinabahan. Dun na rin ako nagsimulang maghinala. At bigla nalang akong i-grip sa leeg nung isang kasama nila sabay tutok ng patalim sa may lalamunan ko. Talagang di na ako nakapalag pa. God! Napakabilis ng mga pangyayari. Sabay lumapit na rin yung isang mokong.
“Akin na celphone mo! Bilis!”.
“Wala po akong celphone.”sabi ko.
At sa kasamaang palad, may laman pa naman ang wallet ko nung panahong yun. Andun rin ang ATM ng mom ko. Lagot.
“Akin na sabi eh! ”, sigaw nung isa.
“Wala nga eh! ”, di ko parin binigay cellphone ko.
At biglang binitawan ako nung isa. At pinagsusuntok ako nung isa pa niyang kasama. Papalag pa sana ako pero ako’y nagdalawang-isip nung may makita ako sa likuran. Ang dami pala nila. May apat pa na papalapit sa may likuran ko na may dalang pamalo at bato. Kaya hayun, iniabot ko nalang ang wallet at phone ko. Wala na akong nagawa pa. Pero alam niyo kung anong nangyari? Celphone ko lang kinuha. Haha! At nagsipagtakbuhan na silang lahat. Di ko halos maisip kung ano ang kinahinatnan ng pangyayaring yon. Dumugo ang ilong ko at napunit naman ang ibabang bahagi ng aking labi. Damn! Ang sakit. Tumakbo nalang ako sa patungo sa isang malapit na tindahan. Dun na rin ako nanghingi ng tulong. Huli na nung dumating ang mga pulis. Paken! At pag-uwi ko sa bahay, dun ko na rin napansin na sabog rin pala pati noo at kanang bahagi ng aking mukha. Masakit palang masuntok. Haha.
-juz sharin’,
Have a good day everyone.
Browse » Home
Monday, July 6, 2009
ako ay naholdap na.
5:09 AM
Razattitude