Monday, July 6, 2009

MISCONCEPTION

Lahat naman siguro tayo ay mahilig sa musika. Isa na ako run. Ito kasi ay nakakarelaks ng katawan at isipan. Marami din diyan ay ginagawang libangan ang musika. Ang iba naman, ito ay pinagkakakitaan. Pero base sa lahat ng sinabi ko, bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang pananaw ukol sa musika. Kaya lang naman ako nagsulat ngayon ay dahil sa narinig kong pangungutya nung isang babae sa kapwa niya babae. Di ko sila kilala. Napadaan lang sila dun sa tindahan namin. Eh panu ba naman, narinig kong kinukutya nung isang babae ang kasama niya ukol sa mga hilig nitong kanta. Medyo makaluma daw kasi. Di ko na natiis kaya naisipan kong magsulat. Hindi naman kesyo makaluma ang mga hilig mong kanta ay makalumang tao ka na rin. At hindi rin porke makabago ang mga kanta mo ay sosyal ka na. Di natin maide-deny na di nga naman nalalaos ang mga kanta nung 70’s hanggang 90’s. Atsaka sino ba naman ang di nakikinig sa mga lovesongs? Karamihan sa mga lovesongs ay nagmula nung mga panahong iyon. Diba? Music-minded akong tao pero di ko kelanman kinutya ang hilig ng iba. Wala akong pinipiling kanta o kompositor. Sa pagkakaalam ko, hindi makikita sa music kung anong klaseng tao ka. Meron nga diyang mga barako ang itsura pero ang hilig ay mellow songs.

Yun lang masasabi ko sa ngayon. Sana wag na nating husgahan ang trip ng iba. At wag na wag nating kalimutan ang mga musikero at musika noong unang panahon. Walang musika ngayon kung hindi nila sinimulan noon.

Get Chitika | Premium
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...